It's been ages! Gonna get out my inner Filipino with the script of a recent presentation I did with three other mates. Check it out:
ANG BUHAY NI SHANEQUA
-Kakarating lang ni Shanequa sa Pilipinas dahil naka tanggap siya ng isang scholarship-
Shanequa: *tinatawagan ang kanyang ina sa telepono* Hello? Ma? Ma! Akalain mo naman! Naka tanggap ako ng scholarship dito sa Pilipinas ma! Pangako sa’yo nay, pagbubutihan ko ang pag-aaral ko dito!
-Kakarating lang ni Shanequa sa kanyang bagong paaralan dito sa Pilipinas-
Shanequa: *naghahanap* San ba ang aking dorm? Gusto ko ng magpahinga! Nakakapagod ba naman ang biyahe.
-Nilapitan si Shanequa ng isa sa mga staff ng paaralan-
Staff: Ikaw ba yung bagong estudyante dito na galling sa Africa?
Shanequa: Opo! Ako yun! Magtatanong lang po sana ako kung saan ang dorm ko?
Staff: Eto, ihahatid na kita!
-Sinamahan ni Lei si Shanequa sa kanyang dorm-
Sa sunod na araw, pumasok na si Shanequa sa paaralan.
-Habang lumalakad si Shanequa papunta sa kanyang silid aralan-
Pauline: *lumalakad kasama ang tatlo niyang kasama* *naka bangga kay Shanequa* Oy! Ano ba! Tignan mo naman yang dinadaanan mo!
Shanequa: *takot na takot* Pasensya na po kayo!
Pauline: Dapat lang!
Frances: Ano k aba girl? Wag ka naming ganyan sa bagong estudyante dito sa paaralan natin.
Lei: Bago ka pala dito? San ka galing?
Shanequa: Galing ako ng Africa!
Frances: But if you’re from Africa, why are you white?
Lei: Omg! Frances, you can’t just ask people why they’re white!
Frances: Ay! Sorry!
Pauline: Hindi bagay dito kaya’t umalis ka na! Paano k aba naman naka pasok sa paaralan naming mga mayayaman?
Shanequa: Scholar kasi a—
*Sinampal ni Pauline si Shanequa*
Pauline: Sumasagot sagot ka na ngayon?
-Nagpatuloy ang mga araw na binubuskahan si Shanequa ng tatlong babae dahil nanggaling siya sa Africa. Ngunit isang araw, nagbago ang lahat-
-Lumabas si Shanequa sa kanyang paaralan na aka yuko at naka bangga siya kay Frances-
Frances: Oy! Ano ba! Tignan mo nga yang dinadaanan mo!
Shanequa: Pasensya na po.
-Nang tumawid si Frances sa daan, hindi niya nakita ang bus na paparating-
Bus: Hala! Ba’t hindi gumagana ang preno!
Shanequa: Fraaaanceees! *Itinulak niya si Frances sa daan*
-Dahil sa nangyari, namatay si Shanequa. Nang malaman ito ng tatlong babae, may natutunan silang leksyon na masama ang pambubuska at dapat hindi binubuskahan ang isang tao dahil sa anyo nila-
Mga Karakter:
Pauline Quilino - Driver and Estudyante
Frances Tan - Estudyante
Lei Trasadas - Estudyante at Staff ng Paaralan
Anjelih Orquiola - Shanequa
That is all 😁 thanks for dropping by!
No comments:
Post a Comment